Posted files under ‘Candy’
WTF!! Naiirita ako ngayon!
Naiirita ako ngayon kasi inatake muli ako ng insomnia ko for the sond time. Graveh. Apat na oras lang ang tulog ko! Hindi ako sanay ng ganun. Early sleeper kasi ako eh. At least maka-walong oras lang ako ng pagtulog, solve nako. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa ako ininsomnia. Yan tuloy… Umagang-umaga, wala ako sa mood. Hindi ko ma-describe ang feeling. Basta. Ang weird. Parang kahit sino kaya kong awayin ng walang humpay. Kahit pa ang mga pet isda at kitty cat ko, kaya kong tirahin. Wala akong aatrasan kahit sino at ano pa yan. Wala akong care. At dahil nga kulang sa tulog, in-allergy na naman ako first thing in the morning. Bahing ako ng bahing at sinisipon habang namamaga ang aking dalawang mata dahil sa kakulangan sa pagtulog. I usually start a morning with a smile and a positive attitude just to welcome the wonderful day pero ngayon, nakasimangot ako at masungit. Sana hindi nako atakihin ng insomnia ko. Teka, ano nga ba ang gamot sa insomnia? hmmm… Matanong nga sa über-cute na doktor ng nanay ko. ;-p
Pero hindi lang insomnia ko ang kadahilanan ng pagkakairita ko sa araw na ito. Dahil nga member nako ng A-list, tinetext at gini-GM nako ng mga kapwa ko A-lister at dalawa pang candy friendships ko. Imagine, tinext ako ng isang friendship ko na i-text ko daw siya o kaya i-PM sa gitna ng gabi… Mga past 12 na ng gabi yun ha. Re-replyan ko sana kaso nag-expire na ang unli ko kaya dinedma ko na lang. Pero sa totoo lang, kung may unlitxt pako, itetext to sawa ko yung friendship kong yun. Pinagalitan lang kasi ako ng daddy ko na tumigil na sa kakagamit ng computer nung hatinggabing iyon dahil gagamitin niya naman ang internet para sa business niya. Eh dinedma ko lang siya kaya ang nangyari, nagalit sakin si daddy at sinabing, “Sige. Makikita mo. Pag-gising mo mamaya, di ka gagamit ng internet habang nandyan ako sa harap ng computer!”. As usual, wala akong pakialam sa sinabi niya. Iniisip ko lang na baka nagbibiro lang siya o naghahanap lang ng paraan para lumayas na sa harap ng computer para makagamit naman siya. But I didn’t expect na magiging totohanan pala ang lahat. Oh my Gawd!!! Nang magising ako ng bandang mga 8:00, naghahanap ako ng tiempo para makagamit ng computer pero di ko magawa kasi nandoon si daddy! Buong araw akong naghahanap ng diskarte para mahawakan ko na ang mouse but, damn, I can’t. Grrrr… Naisip ko, “Naku po. Tinotohanan pala ng daddy ko yung sinabi niya kagabi! WTF. That means, gumaganti lang si daddy ko. Pinapakarma nako. Oh no! WAAAAHHHH!!!”. Kaya ayun, ako, na isang self-confessed OL addict, ay hindi nakagamit ng internet ng buong araw. Ngayong gabi lang sa ganap na oras na 7:40 sa aking computer [dahil umalis ang daddy ko papuntang tindahan para lagyan na muli ng unli ang cellphone ko nang masagot ko na ang napakaraming text sakin ng mga Candy friendships ko]. Graveh. Super addict ako sa internet! Isang araw lang na hindi ako makagamit nito, parang wala nako sa sarili ko! Yung tipong nage-evolve talaga ako. Bwiset. Pero di bale. Ayos nako kahit papano dahil sa wakas ay nahawakan ko na ang bespren ko- ang mouse ng computer ko.
Ops. Ops. Ops. Hindi lang po yun ang ikikwento ko sa inyong lahat. Hindi lang irritation to the maximum level ang nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot ako sapagkat pag nago-online kasi ako, nakikichika kasi ako sa mga online friends ko. Bale yan yung social life ko. Alam niyo, akala ko yung love life ko lang ang ZERO. Dahil the whole day, hindi ako naka-computer, yung social life ko ay ZERO din. Iyon ay sa kadahilanang hindi ako nakapag-communicate sa mga online buddies ko. *sigh* Pero di bale. Hindi lang naman internet ang buhay ng tao. Nalaman ko, we should do other things more productive. Something beneficial for yourself or even your own family. Like cleaning the house, washing the dishes, exploring your talents, o di kaya’y magabasa na lamang ng bibliya [na hobby ko] para may inspiration ka the whole day. O diba…
Yun lang naman po ang mga walang kwentang bagay na nangyari sa buhay ko ngayon. Abangan niyo pa sa susunod na mga araw ang [hindi] exciting na mga pangyayari sa life ko.
O sige, paalam na. Kita-kits ah! wahehe
Add comment Hunyo 7, 2008