Posted files under ‘Althea’
I’m the senior mod of “the Crib” in bonggaforum!
Oh gee. I’m so happy! I just logged in to that bonggaforum [okay, by the way, lemme promote the forum made by my friend Althea: http://bonggaforum.forums-free.com
This is actually the first time I became a senior mod in a forum. I belong to two forums which are teentalk and lunatic. Now is the time to discover something new. And here it is! I discovered bonggaforum! Yiheee! [FACT: btw. the domain bonggaforum was suggested by me. Althea kagandahan just approved it. hehe]
Gawd. I belong to three forums! Hope hindi ako maloka nito. lol
Add comment Hulyo 19, 2008
I’m a certified A-lister na! XD
Kagabi [June 03, 2008] noong bandang mga 08:20:37 pm, may natanggap akong text message sa cellphone ko at ng daddy ko [nagshe-share kami ng cellphone] sa isang numerong hindi naman nakalagay sa kahit isa sa mga contacts man lang ng phonebook ng cellphone ko. Binasa yun ni daddy pero pinabasa at binigay naman yun sakin ng daddy ko sa kadahilanang hindi naman sa kanya yung message. Nandoon yung pangalan ko eh. Sabi sa text, “PIA, member ka na ng a-list.lica to, ka-media club m0h dati.haha.”. Ganyan na ganyan ang nilalaman ng text. Bigla ko tuloy naisip, “Teka. Lica. Lica. Lica. Bakit kilala ako nito? Sandali… Ah, oo!! Yung ka-club/batchmate ko dati sa Assumption! Tama! OMG. Hindi ko akalain na magkakatagpo pa kami sa isang hindi inaasahang pagkakataon pa sa online world!”. Kung di niyo na itatanong, sumali kasi ako sa isang clan sa teentalk. Yung mga requirements ay kailangan i-PM sa mga taong in-charge nung grupo na yun. Si Lica ang isa sa mga in-charge doon. Naisipan kong sa kanya na lamang i-PM ang ultimo “resumae” ko dahil medyo familliar yung name niya sakin [kasi nga diba, ka-name niya yung batchmate ko sa school ko before]. Ang totoo, nakalimutan ko na ang reply ko sa kanya [ang galing mo talaga, Nicole. Genius ka. tsk. tsk. tsk.]. Pero ang naaalala ko na parang sabi ko sa kanya ay: Oo. Naaalala kita. At nagpapasalamat ako na naging parte ako ng clan na ito…. Nagkwentuhan kami ng konti tapos yun, tapos na. hahaha! Corny ko noh… Yeah, I know.
Masaya ako kasi may nakita akong taong isang taon ko nang hindi nakikita pero nang dahil sa teentalk, nagkita kami kaya abot heaven ang happiness ko. Pero hindi lang yun ang nakapagpangiti sakin. Mas lalo pa akong naging masaya dahil ang mga first 10 members na makasali dito ay automatic na magiging officers na ng A-list. Ito po yung mga position at bilang ng mga taong hinahanap nina Maam Althea at Maam Lica:
- 1. VP- 1 katao [gusto ko sana dito kaso swertehan lang kung makuha mo ang slot nito at saka kailangan first tagger ako pero hindi ako first tagger eh. pang-6? lang ata ako. hehe]
- 2. PRO- 3 katao [ayos sakin ang slot na ito kaso iniisip ko, baka ma-trabaho ang pagiging PRO. Which I think is true naman.]
- 3. Party Planners- 2 katao [i love parties! kaya naman ito yung pinaka-feel kong position. o diba.. ang bait ni Lord. ito yung napuntang slot sakin. samin ni friendship regina napunta ang slots na ito. yes!!]
- 4. Monitors- 4 katao [ayos lang. pwede na. not bad. hehe]
Maswerte ako at napunta sakin ang Party Planner. Sobrang mahilig kasi ako sa parties eh. Mahilig din ako mag-organize ng mga parties [kahit wala pang nangyayaring parties sa buhay ko.... LOL] kaya i fell in love with that position. ü >>Ano ba ito. Wala akong makitang smileys o emoticons. Ito na lang. Yung sa text. hehe
So iyon…
I’m really looking forward for the events and people that I would encounter sa clan na ito. Promise. Pag-nagkaparty na ang grupo na ito, I will really do my best as a party planner. I’ll make it as bongga as possible. Yung tipong hindi malilimutan talaga ng mga miyembro ng clan na ito. Of course, pagtutulungan namin yan ni mareng Reg. ü It’s not a “Me” thing. It’s a “We”… o diba. nag-rhyme pa.
Sa mga guests na nagbabasa dito, join na po kayo sa A-lister. Masaya po yun. Promise. Di kayo magsisisi kasi ako yung isa sa mga party planner eh. LOL
Sa mga A-list members naman na nagbabasa nito, “Rock on, mga A-listers!” Mabuhay tayo! haha!
Add comment Hunyo 4, 2008