Posted files under ‘A-list




I’m already the president of Intelligentalker!

Aside from the A-list clan, I also belong to Intelligentalker. Graveh. Hanep ang requirements. Kailangan at least an average of 85% yung mga grades mo sa school tapos kailangan fluent ka sa English language.  Pero kaya naman kahit papano. Kahit na sobrang nano-nosebleed tuloy ako sa kaka-english dun! Haha! kaloka!

Ako ang pinakaunang nag-join sa clan na ito kaya dinecide ng owner ng group na ito na gawin akong president/co-founder ng Intelligentalker. It’s been a privilege to be able to be part of this group. I’m super happy talaga. Syempre marami din akong tasks na kailangan gawin bilang president nito. I have to get the GA of every member na gustong sumali dito tapos kailangan the founder and I should always check our thread regularly. Medyo mahirap din kasi meron din naman ang school life, family life and friendship life. Tapos ito, may trabaho ako. Isa akong president and at the same time, party planner din ng isang clan. I also plan pa to join the student body in our school kaya super hectic ng schedule ko. I also have to learn HTML. Sa awa ng Diyos, unti-unti nakong natututo nito. Hay naku. Sino nga ba ang hindi maloloka sa dami kong gawain sa buhay kong itech?

Pero ayos lang yun sakin. Mas mabuti pang maging super busy ako kaysa sa ma-bored naman ako sa buhay ko. I thank God at nagagamit kong mabuti ang leadership qualities ko. Isn’t that fabulous? HAHA

Basta manalig lang ako sa Panginoon. Yun ang secret ko para to always do the best in my life. :-)

Add comment Hunyo 12, 2008

WTF!! Naiirita ako ngayon!

Naiirita ako ngayon kasi inatake muli ako ng insomnia ko for the sond time. Graveh. Apat na oras lang ang tulog ko! Hindi ako sanay ng ganun. Early sleeper kasi ako eh. At least maka-walong oras lang ako ng pagtulog, solve nako. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa ako ininsomnia. Yan tuloy… Umagang-umaga, wala ako sa mood. Hindi ko ma-describe ang feeling. Basta. Ang weird. Parang kahit sino kaya kong awayin ng walang humpay. Kahit pa ang mga pet isda at kitty cat ko, kaya kong tirahin. Wala akong aatrasan kahit sino at ano pa yan. Wala akong care. At dahil nga kulang sa tulog, in-allergy na naman ako first thing in the morning. Bahing ako ng bahing at sinisipon habang namamaga ang aking dalawang mata dahil sa kakulangan sa pagtulog. I usually start a morning with a smile and a positive attitude just to welcome the wonderful day pero ngayon, nakasimangot ako at masungit. Sana hindi nako atakihin ng insomnia ko. Teka, ano nga ba ang gamot sa insomnia? hmmm… Matanong nga sa über-cute na doktor ng nanay ko. ;-p

Pero hindi lang insomnia ko ang kadahilanan ng pagkakairita ko sa araw na ito. Dahil nga member nako ng A-list, tinetext at gini-GM nako ng mga kapwa ko A-lister at dalawa pang candy friendships ko. Imagine, tinext ako ng isang friendship ko na i-text ko daw siya o kaya i-PM sa gitna ng gabi… Mga past 12 na ng gabi yun ha. Re-replyan ko sana kaso nag-expire na ang unli ko kaya dinedma ko na lang. Pero sa totoo lang, kung may unlitxt pako, itetext to sawa ko yung friendship kong yun. Pinagalitan lang kasi ako ng daddy ko na tumigil na sa kakagamit ng computer nung hatinggabing iyon dahil gagamitin niya naman ang internet para sa business niya. Eh dinedma ko lang siya kaya ang nangyari, nagalit sakin si daddy at sinabing, “Sige. Makikita mo. Pag-gising mo mamaya, di ka gagamit ng internet habang nandyan ako sa harap ng computer!”. As usual, wala akong pakialam sa sinabi niya. Iniisip ko lang na baka nagbibiro lang siya o naghahanap lang ng paraan para lumayas na sa harap ng computer para makagamit naman siya. But I didn’t expect na magiging totohanan pala ang lahat. Oh my Gawd!!! Nang magising ako ng bandang mga 8:00, naghahanap ako ng tiempo para makagamit ng computer pero di ko magawa kasi nandoon si daddy! Buong araw akong naghahanap ng diskarte para mahawakan ko na ang mouse but, damn, I can’t. Grrrr… Naisip ko, “Naku po. Tinotohanan pala ng daddy ko yung sinabi niya kagabi! WTF. That means, gumaganti lang si daddy ko. Pinapakarma nako. Oh no! WAAAAHHHH!!!”. Kaya ayun, ako, na isang self-confessed OL addict, ay hindi nakagamit ng internet ng buong araw. Ngayong gabi lang sa ganap na oras na 7:40 sa aking computer [dahil umalis ang daddy ko papuntang tindahan para lagyan na muli ng unli ang cellphone ko nang masagot ko na ang napakaraming text sakin ng mga Candy friendships ko]. Graveh. Super addict ako sa internet! Isang araw lang na hindi ako makagamit nito, parang wala nako sa sarili ko! Yung tipong nage-evolve talaga ako. Bwiset. Pero di bale. Ayos nako kahit papano dahil sa wakas ay nahawakan ko na ang bespren ko- ang mouse ng computer ko.

Ops. Ops. Ops. Hindi lang po yun ang ikikwento ko sa inyong lahat. Hindi lang irritation to the maximum level ang nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot ako sapagkat pag nago-online kasi ako, nakikichika kasi ako sa mga online friends ko. Bale yan yung social life ko. Alam niyo, akala ko yung love life ko lang ang ZERO. Dahil the whole day, hindi ako naka-computer, yung social life ko ay ZERO din. Iyon ay sa kadahilanang hindi ako nakapag-communicate sa mga online buddies ko. *sigh* Pero di bale. Hindi lang naman internet ang buhay ng tao. Nalaman ko, we should do other things more productive. Something beneficial for yourself or even your own family. Like cleaning the house, washing the dishes, exploring your talents, o di kaya’y magabasa na lamang ng bibliya [na hobby ko] para may inspiration ka the whole day. O diba…

Yun lang naman po ang mga walang kwentang bagay na nangyari sa buhay ko ngayon. Abangan niyo pa sa susunod na mga araw ang [hindi] exciting na mga pangyayari sa life ko.

O sige, paalam na. Kita-kits ah! wahehe :-)

Add comment Hunyo 7, 2008

I’m a certified A-lister na! XD

Kagabi [June 03, 2008] noong bandang mga 08:20:37 pm, may natanggap akong text message sa cellphone ko at ng daddy ko [nagshe-share kami ng cellphone] sa isang numerong hindi naman nakalagay sa kahit isa sa mga contacts man lang ng phonebook ng cellphone ko. Binasa yun ni daddy pero pinabasa at binigay naman yun sakin ng daddy ko sa kadahilanang hindi naman sa kanya yung message. Nandoon yung pangalan ko eh. Sabi sa text, “PIA, member ka na ng a-list.lica to, ka-media club m0h dati.haha.”. Ganyan na ganyan ang nilalaman ng text. Bigla ko tuloy naisip, “Teka. Lica. Lica. Lica. Bakit kilala ako nito? Sandali… Ah, oo!! Yung ka-club/batchmate ko dati sa Assumption! Tama! OMG. Hindi ko akalain na magkakatagpo pa kami sa isang hindi inaasahang pagkakataon pa sa online world!”. Kung di niyo na itatanong, sumali kasi ako sa isang clan sa teentalk. Yung mga requirements ay kailangan i-PM sa mga taong in-charge nung grupo na yun. Si Lica ang isa sa mga in-charge doon. Naisipan kong sa kanya na lamang i-PM ang ultimo “resumae” ko dahil medyo familliar yung name niya sakin [kasi nga diba, ka-name niya yung batchmate ko sa school ko before]. Ang totoo, nakalimutan ko na ang reply ko sa kanya [ang galing mo talaga, Nicole. Genius ka. tsk. tsk. tsk.]. Pero ang naaalala ko na parang sabi ko sa kanya ay: Oo. Naaalala kita. At  nagpapasalamat ako na naging parte ako ng clan na ito…. Nagkwentuhan kami ng konti tapos yun, tapos na. hahaha! Corny ko noh… Yeah, I know. :-P

Masaya ako kasi may nakita akong taong isang taon ko nang hindi nakikita pero nang dahil sa teentalk, nagkita kami kaya abot heaven ang happiness ko. Pero hindi lang yun ang nakapagpangiti sakin. Mas lalo pa akong naging masaya dahil ang mga first 10 members na makasali dito ay automatic na magiging officers na ng A-list. Ito po yung mga position at bilang ng mga taong hinahanap nina Maam Althea at Maam Lica:

  1. 1. VP- 1 katao [gusto ko sana dito kaso swertehan lang kung makuha mo ang slot nito at saka kailangan first tagger ako pero hindi ako first tagger eh. pang-6? lang ata ako. hehe]
  2. 2. PRO- 3 katao [ayos sakin ang slot na ito kaso iniisip ko, baka ma-trabaho ang pagiging PRO. Which I think is true naman.]
  3. 3. Party Planners- 2 katao [i love parties! kaya naman ito yung pinaka-feel kong position. o diba.. ang bait ni Lord. ito yung napuntang slot sakin. samin ni friendship regina napunta ang slots na ito. yes!!]
  4. 4. Monitors- 4 katao [ayos lang. pwede na. not bad. hehe]

Maswerte ako at napunta sakin ang Party Planner. Sobrang mahilig kasi ako sa parties eh. Mahilig din ako mag-organize ng mga parties [kahit wala pang nangyayaring parties sa buhay ko.... LOL] kaya i fell in love with that position. ü >>Ano ba ito. Wala akong makitang smileys o emoticons. Ito na lang. Yung sa text. hehe

So iyon…

I’m really looking forward for the events and people that I would encounter sa clan na ito. Promise. Pag-nagkaparty na ang grupo na ito, I will really do my best as a party planner. I’ll make it as bongga as possible. Yung tipong hindi malilimutan talaga ng mga miyembro ng clan na ito. Of course, pagtutulungan namin yan ni mareng Reg. ü It’s not a “Me” thing. It’s a “We”… o diba. nag-rhyme pa.

Sa mga guests na nagbabasa dito, join na po kayo sa A-lister. Masaya po yun. Promise. Di kayo magsisisi kasi ako yung isa sa mga party planner eh. LOL

Sa mga A-list members naman na nagbabasa nito, “Rock on, mga A-listers!” Mabuhay tayo! haha!

Add comment Hunyo 4, 2008

  •  

    Nobyembre 2009
    L L M M H B S
    « Ene    
    1234567
    891011121314
    15161718192021
    22232425262728
    2930  
  • Imbakan

  • Mga Bagong Paskil

  • Mga Marka

    85% A-list A-lister A-listers Althea Antipolo bonggaforum buddies Candy clan co-founder codes college computer courses dad daddy english friends friendships group html Insomnia Intelligentalker internet kagandahan laziness leadership qualities Lica life liz mom officer online online buddies output party planner passionate President raven Regina social social life villain zero
  • Mga Kategoriya

  • Bagong Puna

  • Blog Stats

    • 216 hits
  • Top Clicks

    • Wala
  • Top Posts

    • Wala
  •